Ang Tulang Kinanta

Jhon Denver Jebone

Ang puso ko'y tinamaan na yata
Bilis ng tibok sa sobrang kaba
Tila bang nahuhulog ang tala
Sa t'wing titingin sa'yong mata

Ang isip ko'y napuno na ng diwa
Di nagsasawa, di alintanang
Nadaramang ika'y makasama
Ang siyang panalangin o sana'y dinggin

Di magmamadali
Hintayin ang sandali

Ang 'yong kamay ay siyang hahawakan
Ang 'yong puso'y aking iingatan
Bulong ng damdamin
Hayaang sabihin

Kahit na nauutal na nga ng sobra
Ilalahad pa rin mga salita
Para bang sa'kin lamang ang tala
Ikaw ang bituin sa aking dilim

Wag magmamadali
Dito ka sa'king tabi

Ang 'yong kamay ay siyang hahawakan
Ang 'yong puso'y aking iingatan
Bulong ng damdamin
Hayaang sabihin

Wag mangamba, ika'y sasamahan
Tila bang wala nang hangganan
Bulong ng damdamin
Hayaang sabihin

Canzoni più popolari di Ako

Altri artisti di German rap