Paralumbay

Adrian Garcia, Franz Sacro

‘Di ko alam kung
Sa’n nagkulang
‘Di ko alam

Sinubukang
Balik-balikan
Ang dating sayang
Alaala na lang

‘Di kalaunan nahanap ang tahanan mo
Sa piling ng iba
Hindi ba pangako mo noon na tayo lang
May dulo pala ang walang hanggan

Sumisilip lagi
Sa araw-araw ang
Mga araw kung saan
Wala tayong pakialam
Sa ingay ng kapaligiran
Musika lang natin ang papakinggan

Yung dating atin
‘Di na kaya ng panalangin
Binubulong na lang sa hangin
Mga katagang
Mahal pa rin kita
Kahit meron nang iba
Ano pa ba aking magagawa

May dahilan pa ba
Para lumigaya
Kung sa piling niya ika’y masaya
Ayoko na lang magsalita

O paraluman, ba’t ka lumisan
‘Di na kita maaring madala sa
Paraiso

Palagi ka niya sanang ingatan
Huwag pagsawaan
Huwag ka ring pabayaan
Isasayaw kita

Himig ng tadhana
Hindi na tugma
Himig ng tadhana
Hindi na tugma

Himig ng tadhana
Hindi na tugma
Himig ng tadhana
Hindi na tugma

Pinapalaya na kita
Tanggap ko na wala na talaga
Sana lang ‘di ka nangako ng
Walang hanggan
Iyong tandaan

Paraluman
Sa ‘yong paglisan
‘Di na kita
Maaring madala sa paraiso

Palagi ka niya
Sanang ingatan
‘Wag pagsawaan
‘Wag ka ring pabayaan

Isasayaw kita
Sa panaginip na lang nga
Hmm…

Paalam na

Curiosità sulla canzone Paralumbay di Adie

Chi ha composto la canzone “Paralumbay” di di Adie?
La canzone “Paralumbay” di di Adie è stata composta da Adrian Garcia, Franz Sacro.

Canzoni più popolari di Adie

Altri artisti di Pop rock