Sampayan At Plantsa
Ngayon lang nag sama
Ngunit bakit puro ka drama
Baha ang buhos ng luha
Parang wala na akong magagawa
Kahit hirap kang tumigil
Hindi ako papapigil
Ibibilad na kita saking sampayan
Tiyak tuyo ang mga luhang nasayang
Paplantsahin ko na rin ang yong nakaraan
Para tanggal ang gusot
Sampayan at plantsa
Mga bagay na nawawala
Kahit pigilan hindi na maasahan
Minsan kanang sinugatan
Ayaw ko nang nakikitang ika'y nasasaktan
At kung hindi mapigilan
Hindi kita titigilan
Ibibilad na kita saking sampayan
Tiyak tuyo ang mga luhang nasayang
Paplantsahin ko rin ang yong nakaraan
Para tanggal ang gusot
Sampayan at plantsa
Ibibilad na kita saking sampayan
Tiyak tuyo ang mga luhang nasayang
Paplantsahin ko na rin ang yong nakaraan
Para tanggal ang gusot
Sampayan at plantsa
Sampayan at plantsa
Sampayan at plantsa