'wag na nating ipilit
Nalilito ka ba?
Paano nag-iba?
Nais malaman mo
Ano'ng wakas, saan ba hihinto?
Ngunit, walang lumalabas sa aking mga labi
Tumingin sa aking mga mata
Ito ang magsasabing tapos na tayo at-
Balang araw, sisikat rin ang araw sa mundo mo
Maiintindihan mo ang mga rason
Kung bakit 'di na tayo posible
'Di na tayo posible
Kung babalikan ang alaala ko sa'yo ay 'di papakinggan
Ang gusot ng nakaraan
Puro lang iyakan
Kakalimutan nang tuluyan
Tutal nama'y natuto na
Kahit pa naputol sa
'Di ko na pipilit
Gusto mang sabihin, "ayaw ko na"
Ngunit, walang lumalabas sa aking mga labi
Tumingin sa aking mga mata
Ito ang magsasabing tapos na tayo at-
Balang araw, sisikat rin ang araw sa mundo mo
Maiintindihan mo ang mga rason
Kung bakit 'di na tayo posible
'Di na tayo posible
'Wag na nating ipilit